'IPINATIGIL NA NG PHILHEALTH ANG ANTI-POOR NA 24-HR CONFINEMENT POLICY'
Umaasa si Sen. Bong Go, dating chairman ng Senate Committee on Health, na agarang matutugunan ng PhilHealth ang isyu hinggil sa miyembro na hindi nakatanggap ng kaukulang mga benepisyo matapos pumanaw.
Sa viral post sa Facebook, sinabi ng asawa ng pumanaw na pasyente na umabot sa P200,000 ang hospital bill nila pero sinabi umano ng ahensya na ineligible sa ilang benepisyo ang kanyang asawa dahil na-confine ito nang wala pang 24 oras.
Giit ni Sen. Go, kung totoo ngang naipatutupad pa rin ang aniya'y anti-poor at illogical na 24-hr confinement policy, hindi raw ito katanggap-tanggap dahil matagal na itong ipinatigil ng PhilHealth sa ilalim ng emergency care benefit.