TINGNAN: Inilunsad ng Confederation of Publications (COP) na binubuo ng Matanglawin Ateneo, The GUIDON, at HEIGHTS Ateneo ang Controlled Narratives: Censorship in a State of Uncertainty, isang inisyatiba para sa RecWeek Org-Led Events ng Council of Organizations of the Ateneo - Manila (COA-M) ngayong Lunes, ika-18 ng Agosto, sa SOM 111.
Ibinahagi ni Mara Cepeda, instruktor ng Pamantasang Ateneo de Manila at mamamahayag ng The Strait Times, ang tunay na kalagayan ng pamamahayag sa bansa, kabilang na kung paano niya sinuong ang hamon sa censorship sa termino ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasama ang mga punong patnugot ng COP, sumailalim si Cepeda sa isang serye ng tanungan kung saan tinalakay nila ang panganib na kaakibat nito sa propesyonal at etikal na aspekto ng pamamahayag.
Kuha ni Ara De Silva