TEODORO, GUMAGANAP LANG SA TUNGKULIN — PALASYO
Dinepensahan ng Palasyo si Defense Sec. Gibo Teodoro kasunod ng ipinataw na sanctions ng China sa kalihim at sa kaniyang pamilya.
Pinagbawalan ng China na makapasok si Teodoro sa mainland China, Hong Kong, at Macau. Hindi na rin pinapayagan ang mga organisasyon at indibidwal sa China na makipagtransaksyon sa kalihim.
Kasunod ito ng umano'y "irresponsible remarks" ni Teodoro laban sa China.
"Ang China ay may sariling batas, may sarili silang polisiya. Gayon din naman po ang Pilipinas," ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro.