SENATE PAYROLL CHECKS, PIRMADO NA NI GATCHALIAN
Bilang opisyal at authorized signatory para sa financial transactions ng Senado, nilagdaan na ni acting Senate President Sherwin Gatchalian ngayong Miyerkules, Hunyo 10, ang payroll checks at inaprubahan din ang paglalabas ng iba pang benepisyo para sa mga empleyado ng Upper Chamber.
Matatandaang inalok ni Senator Alan Peter Cayetano si Gatchalian na pareho silang pumirma sa naturang mga dokumento ng Senado upang hindi makaapekto sa mga empleyado ang leadership crisis at maiwasan umano ang usapin sa usurpation of authority.
(Courtesy: Sherwin Gatchalian/FB)
#PilipinasToday
#sherwingatchalian
#AlanPeterCayetano
#SenatePH