Kabataan, tayo na! Ipakita ang iyong lakas, talino at paninindigan para sa bayan 🇵🇭
Magpa-rehistro mula October 20, 2025 hanggang May 18, 2026, 8:00AM-5:00PM, Lunes hanggang Sabado, kasama ang Holidays.
1/3
Itinakda na po ng @COMELEC ang Special Congressional Election sa Dasmariñas, Cavite sa August 29, 2026
Inihahanda na rin po ng Komisyon ang Calender of Activities para sa nasabing halalan.
Tinatayang aabot sa 450,000 ang bilang ng mga botante sa ikaapat na distrito ng Cavite.
Pinangunahan po ng inyong lingkod ang unang pagpupulong ng @COMELEC kasama ang ilang ahensya ng pamahalaan para sa August 29 2026 Special Congressional Election sa Dasmariñas, Cavite
Itinakda po ang paghahain ng Certificate of Candidacy sa July 15 hanggang 17, 2026.
Ang commitment po ng inyong @COMELEC para sa mga gurong magsisilbi sa Special Congressional Election sa Dasmariñas, Cavite na more or less pareho ang halaga ng ibibigay na honoraria tulad noong 2025 National and Local Elections.
Pinangunahan po ng inyong lingkod ang Stakeholders Forum at presentasyon ng draft Terms of Reference ng Automated Election System para sa 2028 NLE.
Ito po ang commitment ng @COMELEC na lahat ng proseso na may kinalaman sa halalan always be known by the public.
Kahapon, June 1, 2026, sinimulan po ng @COMELEC ang Hardware Acceptance Test sa 6,500 units ng Automated Counting Machine para sa 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Layon po nitong matiyak na maayos na gumagana ang mga ACM bago tanggapin ng Komisyon mula sa ating provider.
Naging panauhing-pandangal po ang inyong lingkod sa ginanap na Liga ng mga Barangay sa Pilipinas: 2026 National Congress.
Ibinahagi po natin ang mga paghahanda ng @COMELEC at mga mahahalagang paalala na dapat tandaan ng mga kakandidato at botante para sa darating na 2026 BSKE.
Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (@COMELEC) bilang kinatawan ng 1 Tahanan Party-List si Rep. Elmer V. Catulpos ngayong araw, May 28. | RH 9 @NolascoAgustina, DZRH News
Courtesy: COMELEC
To our Muslim brothers and sisters across the country, Eid Mubarak to all!
From the entire @COMELEC, may your homes be filled with joy, your hearts with peace, and your loved ones with good health today and every day forward.
No-el (election) 2028 will
not happen. It's a mandate of the Constitution to have an election in that year.
Hindi pwedeng batas lang [ang pumigil sa isang halalan]. No law is higher than the Constitution.
Nasa kamay po ng bawat isang botante ang kinabukasan ng ating bansa.
Sa pagtatapos po ng ating Voter Registration, susunod na hakbang ang pagboto para pumili ng mga tamang lider sa ating bansa.
Kaya paalala po sa ating mga kababayan, sabi nga nila, HAWAK MO ANG VOTE.
Taos-puso pong nagpapasalamat ang inyong lingkod na mapabilang sa "Nation Builders: Leading Men" Awardees ng TopNewsAsia Magazine
Patuloy po nating paiigtingin ang integridad ng halalan para sa demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng paghahatid ng tapat, malinis na eleksyon
1/2
Hinihikayat po natin ang mga kababayan natin sa abroad, nagpapatuloy po ang Overseas Voter Registration ng @COMELEC.
Huwag na po nating hintayin na umabot tayo sa huling araw nito sa September 30 2027.
Lubos po ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Misamis Occidental para sa ipinagkaloob na bagong Opisina ng Provincial Election Director sa Oroquieta.
Titiyakin ng Komisyon na masuklian ito sa pamamagitan ng paghahatid ng tapat na serbisyo sa ating mga kababayan.
Maraming kababayan natin ang nakahabol sa huling araw ng Voter Registration para sa 2026 BSKE, tulad sa Robinsons Magnolia para sa mga residente ng Quezon City District 4
Wala pong ipatutupad na extension ang @COMELEC para dito
Sinimulan po natin ito noon pang October 20, 2025
Patuloy po ang ating Voter Registration sa iba't ibang panig ng banss ngayong araw, tulad dito sa bahagi ng SM North EDSA sa Quezon City.
Tinitiyak po ng inyong @COMELEC ang pagbibigay-prayoridad sa mga kababayan nating buntis, nakatatanda, at may kapansanan.
Daan-daang kababayan po natin ang nagtungo sa SM Megamall ngayong araw para sa huling araw ng Voter Registration.
Paalala po, hanggang 5:00 ng hapon lamang po maaring magparehistro. Samantalahin po natin ito para sa demokrasya at kinabukasan ng ating bansa.
Natutuwa po tayo sapagkat maraming kabataan ang nagpaparehistro tulad dito sa opisina ng ating Election Officer sa ikalawang distrito ng Makati.
Mahalaga po ang boses ng bawat Pilipino, lalo na ng mga kabataan, para sa darating na 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections
Ganap na 8:00 ng umaga, dagsa na po ang mga kababayan nating magpaparehistro para sa huling araw ng Voter Registration.
Nagtakda po ng inyong @COMELEC ng Satellite Voter Registration sa mga tanggapan ng ating local COMELEC offices at ilang malls, tulad dito sa SM Manila.
Personal po nating dinaluhan ang 2026 BSKE Information Drive Campaign sa Iwahig Prison & Penal Farm, Puerto Princesa, Palawan
Pagpapatunay po ito kung gaano pinapahalagahan ng @COMELEC ang mga botante, lalo na ang pagboto ng mga person deprived of liberty (PDL).
(1/2)
Sinisiguro ng @COMELEC na sa pamamagitan ng Vulnerable Sectors Office, nabibigyan ng tamang kalinga ang sektor na ito.
Maaring limitado ang kanilang pagkilos pero kapag pinag-uusapan ang demokrasya, mabibigay ang pantay-pantay na karapatang makaboto para sa kinabukasan ng bansa