Ngayong araw, nagpulong ang Senado bilang isang impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Kasabay nito, isinusuot natin ang tungkulin nang may bigat ng pananagutan—hindi para sa kapangyarihan, kundi para sa katotohanan, katarungan, at kapakanan ng sambayanan.
Dalangin natin na gabayan tayo ng Diyos sa paglilitis na ito. Nawa'y manaig ang katotohanan, ebidensya, at konsensya sa bawat pasya at hakbang. Sa Kanyang habag, nawa'y gawin Niya itong simula ng katapatan, pananagutan, at paghilom ng ating bayan.
Sa panahong sinusubok ang ating mga institusyon, tungkulin nating manatiling nakaugat sa tama para sa bayan at sa kinabukasan nito.