Nanawagan si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa Department of Budget and Management na ibigay nang buo ang P20,000 service recognition incentive (SRI) para sa mga guro at mga empleyado ng Department of Education.
Ayon kay Tinio, patingi-tingi umano ang pagbabayad ng insentibo, kung saan ang pinakamalaking halagang natanggap ng ilan ay P14,500 pa lamang. Aniya, sa ibang ahensiya ng gobyerno ay buo na ang SRI na naipamahagi bago matapos ang 2025. | via Tina Panganiban-Perez/GMA Integrated News
Video Courtesy: ACT Teachers party-list