AKO PO SI KIKO PANGILINAN, TUMATAKBO PARA SA MGA NANINIWALA NA MAY PAG-ASA PA ANG PILIPINAS! 🇵🇭
Tapos na ang 90 araw ng kampanya, at sa kabila ng pagod, luha, at pawis, ginagawa natin ito dahil naniniwala tayo sa mas magandang kinabukasan para sa ating mga anak. 🙏
Sa huling araw ng kampanya, nais kong magpasalamat sa inyong lahat. Sa aking asawa, si Sharon, sa aming mga anak, sa Barangay Pangilinan, Team Kiko, at sa ating mga volunteers—kayo ang puso at diwa ng ating kampanya para sa tapat at totoong pamamahala, at mas abot-kaya at masustansyang pagkain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino. 💚
Ako po si Kiko Pangilinan, tumatakbo para sa mga naniniwala na may pag-asa pa ang Pilipinas. Tumatakbo tayo para patunayan na pwedeng manalo ang lumalaban nang patas at hindi magnanakaw. Maraming salamat, Pilipinas! Sama-sama natin ipanalo ang tama! 🇵🇭