Ang nakakairita, may Paw Park ang Valenzuela na milyon ang halaga. Pero ang lala ng kondisyon ng City Pound. May park para sa mga aso at pusa, pero sinisilo ang mga stray aspin at puspin, o mga alaga na nakalabas ng bahay, ikinukulong sa city pound, ginugutom, pinapatay.