BREAKING: MIKE DEFENSOR, KINUMPIRMA ANG UMANO’Y PAGDINIG NG CAYETANO BLOC BLUE RIBBON SA JUNE 16
Kinumpirma ni dating Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang umano’y nakatakdang Blue Ribbon Committee hearing ng kampo ni Senate President Alan Peter Cayetano sa Hunyo 16, 2026, kasabay ng panawagan sa publiko na makiisa at sumuporta sa pagdinig.
Sa isang social media post, inilatag ni Defensor ang detalye ng hearing na nakatakdang ganapin sa DoubleGem EDSA Garden Events Place alas-10 ng umaga.
“Tinatawagan ang lahat ng ating mga kababayan na MAKIISA AT SUMUPORTA sa gaganaping BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING,” ani Defensor.
Kapansin-pansin na ang nakasaad na venue ng pagdinig ay ang DoubleGem EDSA Garden Events Place, isang lokasyong nasa labas ng Senate building. Ito rin ang pagdinig na iniuugnay sa kampo ni SP Cayetano, na patuloy na nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa Senado kaugnay ng liderato at kontrol ng Blue Ribbon Committee.
Hinikayat din ni Defensor ang publiko na suportahan ang tinatawag na “Brave 18,” karagdagang 14 na testigo, at mga senador na kabilang sa grupo ni SP Cayetano.
“Suportahan natin ang BRAVE 18, ang karagdagang 14, at ang ating mga Senador ALLAN AT PIA CAYETANO, MARCOLETA, IMEE, CAMILLE AT MARK VILLAR, PADILLA, LEGARDA, ESTRADA, GO, VILLANUEVA, AT DELA ROSA.”
Matatandaang iginiit ng kampo ni Cayetano na dapat magpatuloy ang kanilang flood control investigation at marinig ang lahat ng testigo.
Sa pagtatapos ng kanyang panawagan, muling binigyang-diin ni Defensor ang layunin ng pagdinig.
“SUPORTAHAN NATIN ANG PAGLABAS NG KATOTOHANAN!”