WALANG MODO KAPAG WALANG SCRIPT
Ito ang banat ng Palasyo matapos tawagin ni Vice Pres. Sara Duterte na "walang-hiya" si Pres. Bongbong Marcos.
Para kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, tila inilalarawan ni VP Sara ang kaniyang pamilya sa pagbanggit ng salitang walang-hiya.
"Ang salitang [walang-hiya] ay tamang description... sa mga alam nating murderer, may mga assassin na kinomisyon para pumatay ng kalaban, sa mga nanakot ng mga tao sa bar, at sa mga gumagawa ng fake news laban sa iba para palitawing sila ang tama at makabayan," buwelta ng undersecretary.