Naalala niyo ba, habang tumutugtog ang AIDA march, pinapatayo ang mga graduates:
“Ito ang bilang ng mga lalaking nagsipagtapos…
Ito naman ang bilang ng mga babaeng nagsipagtapos…”
Graduations were never made for people like us. Kaya habang nagmamartsa tayo, sa bawat hakbang, damhin natin ang bigat ng mga pangarap na hindi natupad.
Pasan-pasan natin ang mga henerasyon ng bakla, lesbiyana, at transgender nating hindi nagkaroon ng oportunidad mag-aral at makapagtapos.