Patrol ng Pilipino, naglilingkod saan man sa mundo.

Joined June 2010
97,210 Photos and videos
Nagkakasakit na ang ilang residente sa Glan, Sarangani dahil sa kakulangan ng malinis na suplay ng tubig buhat nang yanigin ang lalawigan. Inilahad naman ng alkalde na may pumunta nang mga doktor at nurse para suriin ang kondisyon ng mga nagkakasakit, pero iginiit ng mga residenteng wala pang nagagawi sa kanilang lugar. Buong ulat: facebook.com/share/v/1D9DGfo…
1
6
15
1,044
Pinayagan ng ICC Trial Chamber III ang hiling ng kampo ni Rodrigo Duterte na muling masuri ang dating pangulo dahil lumalala anila ang kaniyang kondisyon. Buong ulat: facebook.com/share/v/1Bbqoiv…
1
1
1,654
Nawalan ng tirahan ang halos 200 pamilya matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Western Bicutan, Taguig City. Buong ulat: abs-cbn.com/news/nation/2026…
1
1
1,552
Bumiyahe papuntang Cebu City ang buong puwersa ng seryeng "Sigabo," sa pangunguna ng "Hari ng Aksyon sa ating henerasyon" na si Coco Martin, Julia Montes, at iba pang cast.
4
9
2,899
Hindi matanggap ng magulang ng nalunod na player na si Rene Baterbonia ang paghingi ng tawad ng head coach ng Ateneo de Manila University men's basketball team na si Tab Baldwin. Laking panghihinayang naman ng mga nakikiramay sa maagang pagkawala ni Baterbonia na isang mahusay na atleta at mabuting anak.
13
105
15,255
Iniutos ng ICC Trial Chamber III ang pagsailalim kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong medical examination bago ang kaniyang paglilitis.
1
3
6
1,979
Kapamilya, tuwing sasapit ang Araw ng Kalayaan, hindi lamang isang pirasong tela ang itinataas at hindi lamang isang simpleng himig ang inaawit. Binubuhay ng watawat at ng bawat nota ng "Lupang Hinirang," ang dugo ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa tinatamasang kalayaan at kasarinlan. Kasabay nito ang pagdiriwang ng National Flag Days. Bukod sa paggalang sa bandila, alam niyo ba ang mga itinatakda at ipinagbabawal ng batas kaugnay ng bandila at pambansang awit? 'Yan ang pag-uusapan sa "Alamin ang Batas."
4
13
2,125
Kapamilya, alam n'yo bang hindi lamang sa Egypt mayroong mga mummy? Aba'y mayroon din nito sa Pilipinas. 'Yan ang tatalakayin sa pinakabagong digital show ng ABS-CBN News na "Philippines' Strangest Mysteries."
3
9
1,962
Nanawagan ang ilang grupong ibaba ang presyo ng rooftop solar. Anila, hindi dapat ito pang mayaman lang kundi para sa lahat ng Pilipino.
9
35
2,625
Ilang araw mula nang yumanig ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, maraming barangay pa rin sa Glan, Sarangani, ang hindi pa napaaabutan ng tulong ng gobyerno. May mga naiulat ding nagkakasakit na dahil sa maruming tubig.
4
8
2,065
Ikinagulat ng mga residente ng Bgy. Fundacion, Dueñas, Iloilo, na imbes na tubig, apoy ang lumalabas sa ginagawang poso sa lugar.
4
11
6,479
Pinasaya ng Aces of P-pop BGYO ang libo-libong fans na dumalo sa Naliyagan Festival sa Agusan del Sur. Samantala, hinirang si Yannie Basical ng Central Luzon na grand champion ng "Tawag ng Tanghalan" season 10 sa "It's Showtime."
36
63
3,277
Mahigpit na binabantayan ng AFP ang floating structure ng China sa Bajo de Masinloc matapos itong gumalaw o magbago ng posisyon. Ayon sa ilang eksperto, dito nagsisimula ang pagtatayo ng China ng mas malalaking estruktura o artificial island sa West Philippine Sea. Naniniwala naman si Defense Sec. Gibo Teodoro na may kaugnayan rin ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa mga ilegal na aktibidad ng ilang Tsinong nasa Pilipinas sa sanctions na ipinataw ng China laban sa kaniya at kaniyang pamilya.
13
44
109
5,498
Nanindigan ang mga miyembro ng House prosecution team na hindi dapat payagang bumoto si Sen. Jinggoy Estrada sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Kasalukuyang nakapiit ang senador dahil sa mga kasong plunder at graft kaya dapat siyang ituring na suspendido, bagay na kaniyang kinontra. Inilunsad naman ng iba-ibang civil society groups ang "Bantay Impeachment" sa Quezon City.
2
9
59
6,553
Niyanig ng malalakas na aftershock ang General Santos City nitong Sabado ng umaga, Hunyo 13, 2026.
10
32
8,786
Sinolusyonan ng isang kompanya ang problema sa basura lalo na sa plastic sachets para maging kapaki-pakinabang na mga bagay muli. Ang kanilang kuwento mapanonood sa "My Puhunan: Kaya Mo!"
3
6
1,854
Mariing binatikos ng ATOM ang pagkukumpara ni Sen. Alan Peter Cayetano sa kaniyang sigalot sa Senado, sa sakripisyo ni dating senador Ninoy Aquino noong rehimeng Marcos.
39
42
452
70,406
Patay ang isang lola at anim pa ang sugatan matapos mahulog sa batis ang sinasakyan nilang SUV sa Badoc, Ilocos Norte.
2
6
3,065
Natupok ang 150 bahay sa Western Bicutan sa Taguig City. Nagbagsak ng tubig mula sa helicopter ang Philippine Air Force para apulahin ang apoy.
4
11
4,864
Tinutukan ng baril at tinangayan pa ng motorsiklo ang lalaking bumibili sa tindahan sa Binangonan, Rizal.
1
1
2
2,801