PAG-INHIBIT SA MGA DI-UMANO'Y BIAS JUDGES, PRACTIKAL BA? HETO LANG PARA SA AKIN. Kung mayroon man bias sa mga Impeachment-trial judges, dapat ba silang mag-inhibit o mag-recuse? Heto ang mga considerations:
FIRST. Kung sila ang kusang mag-i-inhibit ng sarili nila, maaaring MILAGRO lang iyan. Kaya hwag ng asahan na mangyayayri iyan. Sa politika sa Pilipinas ang "delikadeza" ay nakabaon na sa lupa.
SECOND. Kung ang mga mag-uusig naman ang magmumungkahi o mag-motion na dapat maginhibit sila, wala rin mangyayari dyan sapagkat ang mag-de-decide na magwithdraw , ay yung mga tinutukoy na mag-inhibit mismo. SO, milagro rin iyan.
THIRD. Kung ang mga ibang impeachment-judge ang mag-motion para inhibit ang ilan sa kanila, tanga lang ang gumagawa noon, kasi walang judge na nagmo-motion sa kaso ng ganyan sitwasyon. So hindi rin mangyayari iyon.
FOURTH. Kung ang strategy nang mga di-umanoy bias judges ay ang pag-delay ang proceeding, gagawin na naman nilang issue ito, pahahabain ang walang kwentang debate, at baka kung matalo sila, iaakyat pa nila sa Supreme Court. Also maaring gawin rin paen o bait ng mga ito para pag-usapan at kung manalo sila, hamunin ang mga natalo sa Supreme Court na lang pumunta, DELAY na naman.
SAMAKATWID, para sa akin, tuloy na lang ang paglilitis. Wala ng delay.
Kung yung di-umanoy bias na mga judges ay kumilos na ang kanilang pagka-palpak, DAPAT MAKITA ITO NG BUONG TAONG BAYAN at batikusin ng husto at isiwalat sa lehitimong pamamaraan ang kanilang PAGBASTOS sa institusyon ng senado, sa PAGHAMAK sa Saligang Batas, at pagka-walang concern sa accountability and justice na inaasahan ng mga mamamayan ------- ILABAS ANG KANILANG pagka-WALANG konsyensya, walang political will at walang tapang isulong ang ayon sa ebidensiya.
Pinahin, batikusin ang pag-lapastangan nila sa katarungan, pananagutan, sa Senado, sa constitution, sa mga mamamayan.
Baka ito na ang hudyat sa mamamayang Pilipino na lumabas na sa kalye at sa LEHITIMO, CONSTITUTIONAL at LEGAL na pamamaraan, sumigaw na laban sa pangbabastos na ito at igiit na mag-resign na ang mga tiwaling hwes na hindi magde-decide ayon sa sinisigaw ng ebidensya.
Tandaan natin "the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances" ay guaranteed by the Constitution from unlawful intrusion of the government.l