Lahat para sa Diyos, Bayan, at Pamilyang Pilipino

Joined January 2024
1,674 Photos and videos
NEWS UPDATE: Napiling paghandugan ng PagbaBAGo bags ng Office of the Vice President ang nasa isang libong learners mula sa mga bayan ng San Luis at Mataas na Kahoy sa Lalawigan ng Batangas. Maliban sa school supplies, naglalaman din ng dental kits at kapote ang bawat bag. Ang nasabing programa ay bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners Campaign ng OVP. #VPSara #OVPPagbaBAGo #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaKabataan
3
NEWS UPDATE: Patuloy ang operasyon ng Kalusugan Food Truck (KFT) ng Office of the Vice President-Southern Mindanao Satellite Office (OVP-SMSO) upang maghatid ng mainit na pagkain para sa mga frontliner na patuloy na naglilingkod sa komunidad kasunod ng pagyanig ng 7.8-magnitude na lindol sa Mindanao kamakailan. Sa ngayon, naka puwesto ang KFT sa bayan ng Glan, Sarangani. #VPSara #OVPKalusuganFoodTruck #ParaSaBayan #MahalinNatinAngPilipinas
25
NEWS UPDATE: Nagpapatuloy ang relief operations ng Office of the Vice President sa pangunguna ng OVP Disaster Operations Center sa Lalawigan ng Sarangani, bilang pag-alalay sa mga Pilipinong apektado ng malakas na lindol. Kabilang sa ipinamahaging tulong ang food boxes, relief boxes, at mga non-food items na makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo habang sila ay patuloy na bumabangon mula sa epekto ng sakuna. #VPSara #OVPDisasterOperationsCenter #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaBayan
13
VP SARA, BINISITA ANG MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO (15 June 2026) Personal na tumungo si Vice President Inday Sara Duterte sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao, partikular sa Sarangani Province, upang dalawin ang mga pamilyang namatayan at mga pasyenteng nagpapagaling sa mga ospital. Samantala, naghatid ang Kalusugan Food Truck (KFT) ng mainit na pagkain at inuming tubig sa 250 rescuers at frontliners na nagsasagawa ng search and rescue operations bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga apektadong komunidad. Mapapanood din ito sa mga link na ito: YOUTUBE: youtube.com/watch?v=AqE0Ix3B… FACEBOOK: facebook.com/reel/9421286855… #VPSara #OVPKalusuganFoodTruck #ParaSaBayan #MahalinNatinAngPilipinas
67
NEWS UPDATE: Sabay-sabay na pinagkalooban ng PagbaBAGo bags ang mga mag-aaral mula sa limang paaralan sa bayan ng Alitagtag, Batangas, bilang bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners Campaign ng Office of the Vice President (OVP). Laman ng bawat PagbaBAGo bag ang school supplies, dental kits, at kapote. #VPSara #OVPPagbaBAGo #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaKabataan
14
Kabilang ang sektor ng transportasyon ang pinagkalooban ng food boxes mula sa OVP–Eastern Visayas Satellite Office (EVSO) sa ilalim ng programang Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (RIICE). Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilyang nangangailangan at masuportahan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Panoorin: youtube.com/watch?v=Xv7j3ywl… #VPSara #OVPEasternVisayasSO #OVPRIICE #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaPamilyangPilipino
6
TINDERA NG TSINELAS SA TACLOBAN CITY, SUPORTADO NG MTD PROGRAM (12 June 2026) Tatlong dekada nang nagsisikap si Aling Maricel na maitaguyod ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng tsinelas sa Tacloban City. Sa tulong ng Mag Negosyo Ta 'Day Program ng Office of the Vice President, nadagdagan ang kanyang paninda at naging mas matatag ang kanyang kabuhayan—nagbibigay ng mas malaking pag-asa para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Mapapanood din ito sa mga link na ito: YOUTUBE: youtube.com/watch?v=NeosbSTO… FACEBOOK: facebook.com/reel/1550298410… #VPSara #OVPMagNegosyoTaDay #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaPamilyangPilipino
34
Bahagi ng mensaheng ipinaabot ni Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ngayong taon, na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.” #VPSara #ArawNgKalayaan #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaBayan
10
128th Independence Day June 12, 2026 Rizal Park, Davao City Mga kababayan, Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh. Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan. Magandang araw sa inyong lahat. Today, we celebrate, not merely a date, but the courage of a people who fought for freedom and sovereignty. Noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit, Cavite, ipinahayag ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang pagsilang ng isang malaya at nagsasariling bansang Pilipinas, matapos ang mahigit tatlong daang taon ng pananakop. But freedom was never a gift. It was paid for and earned through courage. It was paid with Filipino grit and bravery. When the Treaty of Paris transferred our homeland, from one colonial master to another, without the consent of the Filipino people, our forebears refused to be bought and sold like property. Pinili nila ang paglaban kaysa pagsuko, ang dangal kaysa pagpapasakop. This is our inheritance. Lumaban tayo sa bawat pwersang nagtatangkang magdikta ng ating kapalaran. Thousands gave their lives so that one flag, and one flag alone, would fly over this republic. That is our identity. That is our duty. We fought for our sovereignty against foreign invaders. But sovereignty is not lost only to those who come from foreign shores. Nawawala rin ito sa tuwing ang serbisyo publiko ay nagiging pribadong negosyo. Kung ang mga opisyal ng gobyerno ay mala-sindikato sa pagnanakaw ng pera ng bayan. Every peso stolen from the people's treasury steals a child's freedom from hunger. It steals a student's freedom from illiteracy or substandard education. It steals a patient's freedom to obtain quality healthcare. It steals a worker's freedom to earn a decent living. Every ghost project is a classroom never built. Every corrupt contract is a road that was never built for farmers to bring their produce to the market. Ang korapsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng pera. It steals opportunity, it steals dignity, and it steals hope. And ultimately, it steals freedom itself. Rizal, Bonifacio, Luna, and thousands of other Filipino heroes fought so that every Filipino could live with justice, dignity, opportunity, and hope. Mga kababayan, freedom is never permanent unless it is defended. Sovereignty survives only when a people refuse to surrender it. Hope survives when citizens refuse to accept bad governance as their destiny, hope survives when citizens act together, have their voices heard, demand what our heroes fought so gallantly for, the right of every Filipino to a dignified human life. Hope survives when our people believe they have a better future. On this Independence Day, let us resolutely stand up again for truth, for accountability, for freedom, and for sovereignty. Piliin natin ulit ang paglaban kaysa pagsuko, ang dangal kaysa sa pagpapasakop. Piliin natin ang katotohanan. Piliin natin ang pananagutan. At higit sa lahat, piliin natin ang pag-asa. Mubarog ug makigbisog kita batok sa tanang pwersa nga musulay sa pagbuot sa atong kapalaran, uban sa paglaom nga naggikan sa dili malupig nga gahum sa kasing-kasing sa katawang Pilipino. Ang Independence Day, mao ang atong adlaw sa paglaom nga ang kagawasan ug soberanya mao gyud ang atong tinuod ug malungtarong kabilin. Mga kababayan, ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at bawat Pamilyang Pilipino. Shukran SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines
1
67
NEWS UPDATE: Nakibahagi si Vice President Sara Duterte sa paggunita ng Lungsod ng Davao sa ika-128 Araw ng Kalayaan sa Rizal Park nitong Biyernes, Hunyo 12, bilang pagpupugay sa kalayaan at tunay na pag-asa ng sambayanang Pilipino. #VPSara #ArawNgKalayaan #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaBayan
2
3
76
VP SARA AT OVP NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA 2026 (11 June 2026) Nakikiisa ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, sa pangunguna ni Vice President Inday Sara Duterte, sa Brigada Eskwela 2026 bilang suporta sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng klase. Isang sama-samang pagkilos para sa ligtas, maayos, at dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Pilipino. Mapapanood din ito sa mga link na ito: YOUTUBE: youtube.com/watch?v=Vi0SMsKf… FACEBOOK: facebook.com/reel/7813400983… #VPSara #BrigadaEskwela2026 #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaKabataan
35
Laging nakahanda ang Office of the Vice President (OVP) na tumugon sa mga pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa pamamagitan ng Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (RIICE) Program. Panoorin: youtube.com/watch?v=GhIOx27C… #VPSara #OVPRIICE #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaPamilyangPilipino
24
NEWS UPDATE: Patuloy ang serbisyo at malasakit ng Office of the Vice President sa pamamagitan ng PagbaBaGo: A Million Learners Campaign. Nakatanggap ng PagbaBaGo bags na may school supplies, dental kits, at kapote ang 500 mag-aaral mula sa pitong paaralan sa San Felipe, Zambales, bilang suporta sa kanilang pag-aaral at pangarap. #VPSara #OVPPagbaBAGo #ParaSaKabataan #MahalinNatinAngPilipinas
10
OVP LIBRENG SAKAY BUS SA TACLOBAN CITY, ISANG TAON NANG NAGLILINGKOD (June 10 2026) Isang taon nang umaarangkada ang OVP Libreng Sakay Program sa Tacloban City, na araw-araw na nagbibigay ng libreng biyahe at dagdag-ginhawa sa daan-daang Taclobanon. Mula sa mga estudyante at manggagawa hanggang sa mga senior citizen, patuloy na nagsisilbing kaagapay ng komunidad ang programang ito sa kanilang pang-araw-araw na paglalakbay. Mapapanood din ito sa mga link na ito: YOUTUBE: youtube.com/watch?v=ECBxZa16… FACEBOOK: facebook.com/reel/2566997540… #VPSara #OVPLibrengSakay #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaBayan
14
NEWS UPDATE: Personal na nagtungo si Vice President Sara Duterte sa Malapatan, Sarangani, St. Peter Chapels, at Villa-Gan Funeral Homes sa General Santos City upang makiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa malakas na lindol na yumanig noong June 8. Tinungo rin ng Bise Presidente ang General Santos Doctors Hospital at St. Elizabeth Hospital, kung saan binisita at kinumusta niya ang mga biktima ng pagyanig na kasalukuyang naka-confine. #VPSara #ParaSaPamilyangPilipino #ParaSaBayan #MahalinNatinAngPilipinas
48
NEWS UPDATE: Pinangunahan ni Vice President Inday Sara Duterte ang pamamahagi ng Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (RIICE) Boxes sa Rosary Heights V, Cotabato City ngayong araw, kung saan kabilang sa mga benepisyaryo ang mga senior citizen, Persons with Disabilities (PWDs), solo parents, at mga mangingisda. Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na naghahatid ang tanggapan ng kinakailangang suporta sa iba't ibang sektor ng lipunan, lalo na sa pagsusulong ng food security. #VPSara #OVPRIICE #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaPamilyangPilipino
21
NEWS UPDATE: Pinangunahan ni Vice President Inday Sara Duterte ang pagbubukas ng EXTRA Ordinary: The Vice Presidents of the Philippines Pop-up exhibit sa Rojas Central Elementary School sa Cotabato City. Layunin ng exhibit na mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa responsibilidad ng tanggapan, maging sa iniwang legasiya at mga itinaguyod na programa at serbisyo ng mga nagsilbing pangalawang pangulo sa bansa #VPSara #OVPPopUpExhibit #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaBayan
27
Inaanyayahan ng Office of the Vice President (OVP), sa pamumuno ni Vice President Sara Duterte, ang publiko na bisitahin ang "OVP Extra Ordinary: The Vice Presidents of the Philippines Pop-Up Exhibit," na isinasagawa sa iba't ibang bahagi ng bansa. #VPSara #OVPPopUpExhibit #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaBayan
39
FARMERS ASSOCIATION KABILANG SA MAG NEGOSYO TA ‘DAY GROUP BENEFICIARIES SA DULAG, LEYTE (09 June 2026) Mas pinalawak ng Victory Farmers Association ang kanilang kabuhayan mula sa pagsasaka tungo sa livestock farming at fish pond management matapos makatanggap ng karagdagang puhunan sa ilalim ng Mag Negosyo Ta ’Day Program. Patunay ang kanilang tagumpay na ang pagkakaisa, sipag, at tamang suporta ay susi sa mas maunlad na komunidad. Mapapanood din ito sa mga link na ito: YOUTUBE: youtube.com/watch?v=rQAla3W-… FACEBOOK: facebook.com/reel/1031984489… #VPSara #OVPMagNegosyoTaDay #ParaSaPamilyangPilipino #MahalinNatinAngPilipinas
1
16
NEWS UPDATE: Kitang-kita sa mga mukha ng mga batang mag-aaral sa bayan ng San Narciso, lalawigan ng Zambales, ang kasiyahan nang matanggap nila ang kanilang mga bagong school bag, school supplies, dental kits, at kapote. Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pag-iikot ng OVP sa iba't ibang panig ng bansa upang maihatid ang programang PagbaBAGo: A Million Learners Campaign sa mas maraming kabataang Pilipino. #VPSara #OVPPagbaBAGo #MahalinNatinAngPilipinas #ParaSaKabataan
1
18