'I DON'T HAVE A BESTFRIEND ANYMORE' π₯ΉπΆ
Walang tigil sa pag-iyak at tila pagmamakaawa pa ng limang taong gulang na si Eroll John mula sa Manay, Davao Oriental nang masawi ang alagang aso na si Zuzi makaraang masagasaan ng motorsiklo.
Ayon sa pinsan ni Eroll na si YouScooper Margarette Cochiengco, kakauwi lang ni Eroll noon mula sa paaralan nang sunduin nang ama matapos maramdaman ang magnitude 7.8 na lindol sa lugar noong June 8.
Nakita pa raw mismo ni Eroll ang pangyayari habang pababa sa motorsiklo, ayon kay YouScooper Margarette, βSpeechless pa sya nuβn, nuβng kinarga βyung dog and nag-seizure, wala syang kamalay-malay [kung] anoβng nangyari. He thought okay lang, buhay pa, kasi βyung dad ko pinapalakas loob namin para hindi kami mag-panicβ¦ [tapos] nuβng nag-stop na siya mag-seizure, lumabas na dila niya and nilagay sa upuan, na-sense na niya na [wala] na kasi hindi na gumalaw.β
Malapit daw talaga kay Eroll ang alagang si Zuzi na siyang sumasalubong palagi sa bata tuwing umuuwi sa bahay mula sa paaralan.
βHe said na, βI donβt have [a] bestfriend anymore, no one will chase me,β [tapos] grabe ang iyak niya talaga [hanggang noong sa paglilibing], [umupo na lang] sya [sa gilid] ng nilibingan ng [aso] at nag-iiyak siya [roon] tapos sinasabi nya, βIβm gonna miss you, Zuzi,β and he kept begging to God na ibalik po [ang aso niya,] dagdag pa ni YouScooper Margarette.
Hindi na rin daw nila hinabol ang nakasagasa kay Zuzi dahil inasikaso muna nila ang kaligtasan ng pamilya matapos ang lindol at ang paglilibing sa alaga.
#YouScoop
Courtesy: YouScooper Margarette Cochiengco