With two years left to go in his presidency, Marcos Jr has achieved what he came here for. 😮💨
SANDIGANBAYAN DISMISSES CASE VS. MARCOS FAMILY
Ibinasura ng Sandiganbayan ang isa sa pinakamalalaking kasong inihain ng pamahalaan laban sa pamilya Marcos kaugnay ng ill-gotten wealth.
Sa desisyong inilabas ng anti-graft court, na-dismiss ang Civil Case No. 0141 matapos ihayag ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na hindi na ito maghahain pa ng dagdag na ebidensya.
Sa manifestation ng gobyerno noong nakaraang buwan, sinabi nitong na-recover na ang karamihan sa ari-arian.
Bahagi ang kasong ito, na isinampa noong 1991, ng tinatayang nasa $5-billion ill-gotten wealth.