2 HALIGI NG PAGBABALITA, MULING MAGKASAMA SA 2!
Gabi-gabing mapapanood sa ALLTV2 ang dalawang longest-running newscasts ng bansa, ang TV Patrol at The World Tonight ng ABS-CBN News.
Reunited ang dalawang programa sa free TV 26 taon mula nang huling pinalabas ang The World Tonight sa ABS-CBN Channel 2 noong 1999.
Alamin ang nagbabaga at mahahalagang balita sa Pilipinas at sa buong mundo weeknights sa TV Patrol tuwing 6:30 PM at sa The World Tonight tuwing 10:45 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2.