HINDI GARANTISADO ANG ORAS.
Hindi lahat umaabot ng katandaan.
Hindi lahat may "MAMAYA."
Ang meron lang tayo ay NGAYON. Isang hininga. Isang pintig ng puso. Isang pagkakataon.
Kaya habang may NGAYON ka pa...
Habang humihinga ka pa, malakas ka pa, kaya mo pa, HUWAG MONG SAYANGIN.
Huwag mo nang hintayin ang "perpektong" panahon.
Magmahal ka na ngayon. Humingi ng tawad ngayon. Magpatawad ngayon. Mangarap ngayon. Magsalita ngayon.
Dahil hindi palaging may babala ang buhay.
At minsan, hindi na dumarating ang "susunod na pagkakataon."