Sa panayam sa kanya ng Philippine News Agency (PNA), tinukoy ni Bacolcol ang anim na aktibong trenches sa Pilipinas: ang Philippine Trench, na matatagpuan sa East Luzon hanggang sa Southeast Mindanao; ang East Luzon Trough, ang Manila Trench, ang Negros Trench, ang Sulu Trench, at ang Cotabato Trench.
Kinumpirma ni Bacolcol na ang mapaminsalang magnitude 7.8 offshore earthquake na yumanig sa ilang lugar sa Mindanao nitong Lunes, Hunyo 8, ay dulot ng paggalaw ng Cotabato Trench—na may lawak na hanggang mahigit 300 kilometro kaya wala sa Cotabato ang epicenter ng pagyanig.
Ayon kay Bacolcol, ang anumang lugar na matatagpuan sa isang aktibong trench ay delikado talagang makaranas ng malakas na lindol, na kadalasang nagdudulot ng tsunami.
“People living in coastal communities should know the natural signs of impending local tsunamis,” babala ni Bacolcol, sinabing dapat na agad lumikas sa mas mataas na lugar kapag nakaramdam ng napakalakas na pagyanig ng lupa, napansin ang biglaang pagtaas o pagbaba ng dagat, at nakarinig ng mistulang dagundong mula sa karagatan.
#PilipinasToday
#EarthquakePH #LindolPH
#Phivolcs #TeresitoBacolcol