1-on-1 with USec. Edu | Project SAFE
Panoorin ang one-on-one discussion nina Undersecretary Edu Punay ng Innovations and Program Development Group (IPDG) at Kyrie Eleison Taganap tungkol sa Project SAFE, isang inisyatibo ng DSWD na naglalayong palakasin ang proteksyon ng mga bata laban sa online sexual abuse and exploitation (OSAEC), alinsunod sa Republic Act No. 11930.
Sa ilalim ng Project SAFE, binibigyan ng komprehensibong suporta ang mga batang nasa panganib at ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng psychosocial services, referral mechanisms at capacity-building para sa mga magulang.
Layunin ng Project SAFE na pigilan ang OSAEC sa pamamagitan ng online literacy at gabay para sa mga magulang, habang tinitiyak ang agarang proteksyon, interbensyon at suporta para sa mga batang biktima.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤
#ProjectSAFE