Nagtipon ang mga mag-aaral mula sa Cavite State University-Main Campus kasama ang iba't ibang progresibong grupo sa Laya’t Diwa Plaza sa Indang, Cavite ngayong araw, September 19. Bahagi ito ng protesta laban sa korapsyon at budget cuts sa state universities.
Panawagan ng mga mag-aaral na tutulan ang P50-million budget cut na makaaapekto sa kalidad ng edukasyon at serbisyo sa loob ng pamantasan.
Ulat ni Rhoannie Auro/ Kuha ni Carlos Toreña