‘BINABA NILA NANG BINABA ‘YUNG STANDARD’
Binatikos ni dating senador Antonio Trillanes IV ang aniya’y Duterte senators dahil sa pagbalahura at pagbaba umano ng pamantayan sa institusyon.
"Noong pumasok sila diyan simula noong 2019, ganoon na. Pababa na nang pababa 'yung standard," saad ng dating senador sa programang "Sa Totoo Lang" ng One PH.
Hindi rin daw tumupad sa campaign promises ang mga naturang senador.
"Kumbaga, lokohan eh. Kaya ngayon, nandiyan sila sa Senado. What do you expect from them? Talagang puro fake news, puro panloloko," dagdag niya.