sobrang lungkot talaga ng nangyari kay rene. yung nangyari sa kanya yung laman ng thoughts ko nowadays, like as someone who is also full of dreams… sobrang nasasaktan ako na iba na yung reality ng buhay ng family ni rene ngayon. idk how is it fair that a person as good as him, hindi man lang inalagaan ng maayos ni coach tab at ng admu.
sobrang lungkot talaga kasi hindi lang sya nangangarap para sa sarili nya eh. with those dreams, may mga pangako sya. pangako para sa pamilya niya at para sa mga taong gusto nyang tulungan at pagsilbihan once he’s there at the peak. at sa isang iglap, nawala lahat ng yun. and it does not help na sa pagkamatay nya, tunog out of touch pa yung mismong admu. his death alone is devastating, and they’re adding salt to the wound by acting as if rene’s dreams and promises do not worth the greatest respect.
hindi lahat ay tulad ni rene na sa kabila ng hamon ng buhay patuloy na naging mabait at mapagkumbaba. so how is it fair that someone died because of their negligence just because they thought their power is absolute… and that their institution itself is untouchable?
wherever this case may lead, one thing is certain, i can never look at ateneo the same way again.