TINGNAN: Agad na rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nasunog na yate sa karagatang sakop ng Barangay Small Margus, Glan, Sarangani bandang 10:25 ng umaga nitong Biyernes, Hunyo 12.
Ayon sa paunang imbestigasyon, may kargang relief supplies ang yate at patungo sana ito sa Glan nang sumiklab ang sunog habang nasa biyahe.
Ligtas na naisalba ang lahat ng sakay ng yate at mga mangingisdang nasa lugar. Dinala ang mga ito sa Barangay Big Margus para sa karagdagang tulong.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog at masuri kung may iba pang kinakailangang aksyon. | via Earlo Bringas
#NET25NewsandInformation
#MaritimeIncident
#GlanSarangani