𝐃𝐎𝐒𝐓-𝐁𝐈𝐂𝐎𝐋, 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐌𝐀𝐋𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐋𝐀𝐁𝐎𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐇𝐈𝐘𝐎𝐍
Matagumpay na isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST)-Bicol ang makasaysayang paglulunsad ng proyektong LabMove sa Sorsogon National High School upang ihatid ang on-site laboratory services sa mga komunidad.
Ayon sa DOST Bicol, sa pamamagitan ng Science Caravan, sumabak sa hands-on training ang mga STEM students kung saan nasubukan nila ang aktwal na water potability testing at iba pang laboratory procedures sa loob ng mobile unit.
Ang LabMove ay ang kauna-unahang mobile laboratory sa buong DOST system na idinisenyo upang magbigay ng mabilis na chemical at microbiological testing, lalo na sa mga malalayo at isolated na lugar sa rehiyon.
Inaasahang sa pagdating ng Hunyo 2026, ganap nang mapapakinabangan ang pasilidad na ito upang bawasan ang gastos at oras sa pagpapasuri ng tubig, habang tinitiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng bawat Bicolano. | ulat ni JM Olarte | RP Albay
📷 DOST Bicol