Manggagawa naman!
Si Luke Espiritu ay inpinroklama ng mga manggagawa at masa bilang kanilang pambato sa Senado sa proclamation rally ng Partido Lakas ng Masa na ginanap sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City nitong nakaraang linggo. Sama sama ang libu-libong mga taga-suporta mula sa iba't ibang mga unyon, peoples' organizations, at youth groups, sabay-sabay ang pagsigaw ng "Tama na ang trapo, Luke Forward tayo!"
Bilang isang batikan na lider-manggagawa at tagapagtangol ng mga pinagsasamantalahang maralita, binibitbit ni
#25LukeEspiritu ang agenda ng bayan โ ang pagwaksi sa mga trapo at political dynasty at pagsulong ng mga batas upang lutasin ang mga problema sa Presyo, Sahod, Serbisyo at Trabaho!
Sa pagproklama sa kaniya, hinamon ni Luke Espiritu ang bayan: "Proud ba kayo sa isang senado na walang diskurso at hindi pinaguusapan ang mga isyu ng lipunan? Sa senado kung nasaan si Robin Padilla at nagsusuklay ng bigote? At puro dinastiya?" at ihinain ni Luke ang solusyon "Kailangan ang perspektiba ng manggagawa kapag pinaguusapan ang ekonomiya upang hindi pabayaan ang mga maliliit, mga manggagawa, magsasaka at maralita."
Wakasan ang paghahari-harian ng mga dinastiya!
Tama na ang Trapo,
#LukeForward tayo!
Para sa Senado,
#ManggagawaNaman!
#25sa2025