Walang naggawa si Palawan 2nd District Rep. Jose ‘Pepito’ Alvarez kung hindi magpatawa na lang nang naimbitahan siya na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearing na isinagawa ng grupo ni ousted Senator Alan Peter Cayetano noong Huwebes, Hunyo 4 subalit kalaunan ay idinawit din siya sa kickback scheme sa flood control anomaly.
Bago isagawa ang hearing, ikinuwento ni Alvarez na isang nagngangalang “Margareth” ang nag-message sa kanya at nagpakilalang staff ni dating Quezon City congressman Mike Defensor na humihiling sa kanya na iendorse ang impeachment complaint na ikinakasa ng kanilang grupo laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Aniya, ang impeachment laban kay PBBM ay ibabase sa reklamong graft at betrayal of public trust na nakapaloob sa mga dokumento na hindi pa niya nababasa.
“Binola pa ako,” sabi ni Alvarez, nang ipinunto pa ni Defensor ang kanyang matatag na prinsipyo laban sa korapsiyon kaya siya napusuan ng grupo para mag-endorse ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
“Ang sagot ko – NO! Sorry!” giit ni Alvarez.
Sinabi pa ng kongresista na ito marahil ang dahilan kung bakit bigla siyang idinawit sa “maleta issue” na may kinalaman sa flood control scam ng ilan sa 18 nagpakilalang former Marine soldiers na dumalo sa pagdinig.
#pepitoalvarez
#mikedefensor
#floodcontrolscam
#SenatePH
#18marinesoldiers
#PilipinasToday