Matapos ilipat ng piitan mula sa kanyang dating kinalalagyan sa Senate detention facility ngayong Lunes, Hunyo 8 ng umaga, nakapaglabas pa ng statement ang kontratistang si Pacifico ‘Curlee’ Discaya sa umano’y paggamit sa kanyan ng ilang “makapangyarihang politiko” upang idiin ang ilang personalidad habang pinoprotektahan ang marami pang iba sa isyu ng flood control project anomaly.
“Humihingi ng tawad sa tao na nagpapagamit kami sa mga may hawak ng kapangyarihan. Yes, big fish siguro kami, pero hindi kami buwaya or big crocodile. Magkaibang anyo ng hayop ‘yun,” patama ni Curlee sa mga korap na mambabatas na sangkot sa anomalya.
Sinabi ni Curlee na pinasakay lamang siya ng ilang politiko nang idawit nila ang “17 nasa kapangyarihan” subalit binusalan din at ipinakulong din siya ng siyam na buwan sa Senado.
“Akala ko nais niyo ang katotohanan kaya nagbigay lang muna ako ng kaunting pangalan, pero sa maliit na mga binanggit ko na bilang, hindi na kayo mapagkakatiwalaan,” giit ni Curless sa kanyang statement.
“Paano ko pa babanggitin ang mga 150-plus na may hawak ng kapangyarihan?” tanong niya.
Si Curlee, na nahaharap sa kasong malversation at graft, ay ipinag-utos ng Malolos Regional Trial Court (RTC) na ilipat ng piitan mula sa Senate detention center sa Pasay City matapos isyuhan ng warrant of arrest kaugnay sa P53.9 million flood control project scam sa Calumpit, Bulacan. (Photo courtesy of Senate PRIB)
#curleediscaya
#sarahdiscaya
#floodcontrolscam
#senatePH
#malolosRTC
#bulacan
#PilipiansToday