NASAGIP SA PALAWAN
Ligtas na ang 14 divers at 14 Filipino crew members mula sa sumadsad na yate sa Tubbataha Reefs Natural Park ngayong Linggo, June 14.
Agad silang nasaklolohan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente kaninang umaga. Kabilang sa nasagip ang siyam na American nationals at tatlong German.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, sumadsad ang MY Philippine Siren 2 bunsod ng malakas na hangin at masamang panahon habang nakatali ito sa isang nakaangklang buoy, humigit-kumulang 7.2 nautical miles sa hilagang-silangan ng Tubbataha Reef.
Wala namang banta ng oil spill o marine pollution matapos ang insidente.
📸: PCG/Facebook