‘ITO NA ‘YUNG HULING ARAW NG HININGA NAMIN’
Naglabas ng sama ng loob ang tsuper na si Joel Abelinde sa gitna ng walang prenong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Aniya, marami sa kanilang mga kasamahan ang tumigil muna sa pamamasada dahil wala na halos kinikita.
Kabilang din daw siya sa mga hindi nakakuha ng P5,000 ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Nganga po ako [sa ayuda]. Wala po ako sa masterlist. Wala po akong nakuha. Kahapon, nagbaka-sakali ako at nagpunta sa LTFRB, nag-apply ako para makakuha,” saad ni Abelinde.
“Kailan pa, kung ako ay naghihingalo na? 50-50 na nga kami ngayong araw na ito. Kailan pa nila ibibigay ang para sa aming mga tsuper?” dagdag pa niya. | via Mondi Lopez