Binanggit ito ni Senate Majority Leader Francis Tolentino kasunod ng 7.7 magnitude na lindol na tumama sa Myanmar at naramdaman hanggang sa Thailand.
Binigyang-diin ng abogadong senador ang pangangailangang i-update ang ilang probisyon ng National Building Code upang ito ay maging akma sa kasalukuyang panahon.
Dagdag pa ni Sen. Tolentino, limang dekada na rin ang lumipas mula nang ipatupad ang batas noong 1977, at marami na ang nagbago mula sa pagpaplano ng mga gusali hanggang sa mga pamamaraan ng konstruksyon at mga disenyo ng istruktura.
Una nang sinabi ng senador na kailangang dagdagan ang mga evacuation area dahil sa patuloy na pagdami ng mga istrukturang itinatayo sa bansa.
Ayon sa mga eksperto, kung tumama ang tinaguriang “The Big One,” partikular kung gumalaw ang West Valley Fault at magdulot ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude, maaaring umabot sa 30,000 hanggang 50,000 katao ang mamamatay.
Dagdag pa rito, tinatayang 12 porsyento ng mga gusali ay maaaring gumuho o magkaroon ng matinding pinsala.
Bilang dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), matatandaang inilunsad ni Sen. Tolentino ang Oplan Metro Yakal, isang mas epektibong sistema para sa paghahanda, pagtugon, at pagpaplano ng paglikas sa panahon ng lindol.
#PilipinasToday
#FrancisTolentino
#NationalBuildingCode
#MMDA
#TOL
#TolngBawatPilipino
#61Tolentino
#Tolentino2025