Pinangako ni Ramon Ang, Presidente at CEO ng San Miguel Corporation, na sa susunod na taon, magiging napakalinis na ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang video interview ng "Politiko" kay Ramon Ang sa concession agreement para sa Public-Private Partnership (PPP) Project sa Kalayaan Hall sa Malacañang noong Lunes, Marso 18, ipinahayag niya na sa loob lamang ng anim na buwan, asahan na ang malaking pagpapabuti sa kalinisan ng paliparan sa ilalim ng kanilang pangangasiwa.
“Pati ‘yong air-condition magiging malamig na, at dadami na upuan. Alam n’yo, eventually after two to three years, ‘pag natapos ‘yong bagong passenger terminal na itatayo natin. madedecongest na rin ang terminal 1, 2, 3 kasi marami ngayon sa terminal 1, 2, 3 mga offices, mga kung-ano-ano, na nag-occupy ng space na dapat para sa mga passenger, eh napunta sa kanila. So gaganda po ‘yan, short term, six months, wala nang traffic,” dagdag pa ni Ang.
#PilipinasToday
#RamonAng
#NAIA