Inihayag ni Senate Secretary Mark Llandro Mendoza ang plano ng Mataas na Kapulungan na maglagay ng shower facilities para sa mga empleyadong nagbibisikleta papasok sa trabaho.
Ayon kay Mendoza, malaking tulong ito para makatipid sa gasolina ang mga empleyado, at masuportahan na rin sila sa kanilang pag-eehersisyo at pagbibiyaheng eco-friendly.
“Kung walang facility puwedeng gawan later on para sa mga employees, babae at lalaki... i-push natin,” ani Menoza.
Bukod sa fitness, layunin din nitong maging "cyclist-friendly" ang kapaligiran ng Senado.
Samantala, kumpirmado na rin ang pagpapatupad ng work-from-home (WFH) scheme sa Senado pagkatapos ng Semana Santa. Ayon kay Mendoza, pabor si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa nasabing setup at inaayos na lamang ang mga huling detalye bago ang implementasyon nito.
Bagamat hindi kasama ang mga essential personnel, gaya ng security, tiniyak ni Mendoza na magkakaroon ng rotation para sa lahat ng kuwalipikadong kawani.
#PilipinasToday
#SenateUpdate
#WorkFromHome
#BikeToWork
#WFHScheme
#EcoFriendly