LF KARELASYONG TAPAT 🥺💔
Nasa 27% ng mga Pilipino ang nakakita o nakaranas ng cheating sa isang relasyon, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula noong Nov. 24-30.
Sa bilang na ito, nasa 11% ang nakaranas ng physical cheating o pagkakaroon ng intimate na relasyon sa iba, habang 11% ang nakaranas ng emotional cheating o pagkakaroon ng romantikong damdamin para sa iba.
Kasunod nito ang cybercheating (6%) o pagkakaroon ng ibang social media account nang hindi alam ng partner, at object cheating (6%), tulad ng pagbibigay ng sobrang oras o atensyon sa laro, cellphone, o iba pang materyal na bagay.
Kabilang din ang financial cheating (5%) o pagtatago ng mamahaling binili o utang sa sariling partner, at micro-cheating (4%) o paggamit ng affectionate terms sa iba maliban sa partner, o pagtatago ng sariling relationship status.