Pormal nang nagkasundo ang Quezon City Government at biopharmaceutical firm na AstraZeneca sa pagpapalakas ng programa kontra Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)!
Ang COPD ay isa sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo. Kapag may COPD, nahihirapan ang indibidwal na huminga nang maayos, na lubhang nakakaapekto sa kanyang pang-araw-araw na gawain at kalidad ng pamumuhay.
Sa pamamagitan ng Juan Health Lung Screening Program ng Lungsod at AstraZeneca, paiigtingin pa ang mga programa para mas maisulong ang awareness, screening, at early detection ng COPD.
Magte-train din ng mga health worker na magsasagawa ng screening at diagnosis sa mga residente, sa tulong ng mga digital spirometer ng AstraZeneca. Target ng programa na ma-screen ang aabot sa 3,000 QCitizen.
Lumagda sa ceremonial MOA signing sina Mayor Joy Belmonte at AstraZeneca Pharmaceuticals Phils. Country President Lotis Ramin, na sinaksihan ng mga department head ng lungsod.